MODERNONG ISIP BATA

Category: Para Sayo

An open letter for you.

Yep, we cannot please everybody and we are not born to please everybody but as the saying goes “lahat ay may limitasyon,” there is always a “but” in between.

Ang pakikisama o pakikipagkapwa tao is a choice. Nasasayo ‘yan. Kung gusto mo ng isang magandang samahan, kailangan mong matutunan ang dalawang bagay na ‘yan, kung ayaw mo, again, it’s your choice. 

Ang pakikisama o pakikipagkapwa tao sa mga taong hindi ka gusto o hindi mo gusto does not mean you’re being plastik or nanunulsol ka para lang magustuhan ka, it’s called being matured and being open-minded.

Hindi mo binabago ang sarili mo, you are just being matured dahil kaya mo nang tanggapin ang mga negatibong opinyon ng mga nasa paligid mo. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

No need to prove anything to anyone. Be yourself  but set a limitation to it.

Be open but not too open.

Hindi mo malalakad ng mag-isa ang buhay mo, you need support, negative man o positive ang vibe nila. No need to block them from your life, you just need to balance it- yin at yang lang kumbaga. 

There may be some people who will still judge you but don’t worry, kapit ka lang kay Lord, may forever sa Kanya.

This is an open letter for you. I hope you understand, that’s how it really works.

forget, don’t regret

‘Wag mong pagsisihan ang pinagsamahan niyo. Mahal niyo pa ang isa’t-isa noon.

Iba ang noon, sa ngayon. Move on ka na lang.

College Ni Juan – #WhenIWasACollegeStudent

Hashtag: When I was A College Student, Narealize Ko Na…

 

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na minsan kailangan mong magpakatanga o magpanggap na tanga ka para hindi ka pag-isipan o pagsabihan na mayabang ka.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na kahit na nagpapakahirap ka, hindi mo pa rin ma-achive ang grade na inaasam mo.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na sobrang na-excite ako noong highschool ako (na maging college student) kaya hindi ko na-enjoy yung mga days ko na dapat nai-treasure ko.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na may mga tao palang wala nang pakialam sa iba basta sila umaangat at maging magaling sa paningin ng iba lalo na sa mga professor.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na sobrang halaga ng correct grammar kasi konting pagkakamali mo lang, pagtatawanan na nila.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na minsan wag mong sasabihin ang nararamdaman mo sa iba mong kasamahan lalo na kung tungkol ito sa mga kakilala nila din nila—“May pakpak ang balita, at may tenga ang mga dingding.”
#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na minsan wala talagang nakakaintindi sayo, ang tendency… iisipin mo tuloy na wala kang kaibigan.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na may mga taong sobrang gutom sa mataas na grades.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na madalas kailangan sarilinin mo na lang yang mga nalalaman mo. Selfish na kung selfish, oero kasi sa estado ng pag-aaral mo ngayon—Competition ito.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na lalong lumalala ang mga “insecurities” lalo na kung yung gusto mong ma-achieve, na-achieve ng isa sa mga kaibigan mo.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na mas mabuti nang sabihin mong “No Comment” kaysa mag-imbento ka ng opinyon tungkol sa isang issue na wala ka naman talagang pakialam.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na ang pagbibigay ng comment /opinyon  ay hindi masyadong mahalaga kasi kahit ano namang gawon mo wala rin namang magbabago lalo na kung ang issue ay tungkol sa College/Department mo.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na ang mga simpleng bagay lang ay ginagawang komlikado ng mga college students.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na yung mga tama sa paningin mo ay hindi mo mapipilit na tama sa paningin ng iba.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na magagalit sayo ang kaklase mo kapag hindi mo ginawa ang gusto nila.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na WATERPROOF sila.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na masyadong madrama ang buhay ng mga esrtudyante.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na there will come a time that you need to stand up on your own, no matter what happen.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na honors are not important as long as you graduated without stepping on someone’s dream.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na kahit pala may honor ka, wala ring magagawa iyon kung galing ka naman sa hindi kilalang school.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na you need to please everybody kahit ayaw mo.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na you have to be patient.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na friendship is a treasure.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na kahit maraming pasakit ang pinadanas sayo ng mga naging guro at kagrupo mo, ituturing mo pa rin itong treasure at lesson.

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na you must treasure every moment na nararanasan mo habang hindi ka pa gumagraduate, because you will definitely miss it. Promise!

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na ayos lang magpaka-gaga paminsan-minsan. Di kumpleto ang College experience kung lagi na lang mataas na grades ang iniisip mo, nakakabaliw yun.

college ni Juan

#WhenIWasACollegeStudent Narealize ko na…

(open-ended topic)

do you know Him?

I’m a Catholic but I am not religious, I don’t always go to church every Sunday (heck, I don’t even go to church, to be honest)

I don’t like reciting or doing the rosary,I don’t like watching Catholic/Christian shows where the priests give advice and lectures, I tried to read the bible but I always end up sleeping after reading one paragraph, I don’t practice the “praying-before-meal” manner…BUT I know how to thank Him, I always talk to Him, I treat Him as my number one adviser and I truly trust Him.

I’m a Catholic but I am not religious, I’m spiritual and I believe that there is Someone up there who exist.

Action Speaks Louder Than Words

I don’t believe sa “Action speaks louder than words” kasi may mga taong manhid at may mga taong mas gustong marinig muna ang “magic word” bago sila maniwala na mahal mo nga sila, kaya dapat balanse lang yang dalawa (action & words). Pinaparamdam mo and at the same time Pinaparinig mo rin.

Insecurities

Insecurities, iyan ang pinakamadalas na problema ng isang tao at isa sa pinakamahirap lutasin. Dahil sa insecurities, may mga bagay tayong napapabayaan. May mga bagay tayong nakakaligtaan dahil ang nasa isip lang natin ay… “Sana ganito ako…” “Sana ganun din ako…” sana…sana…sana… puro kasi tayo sana. Lagi tayong nagkukumpara ng sarili natin sa iba. Hindi ko sinasabi na hindi ko naranasan yan. I have enough experience about insecurities, name it! Dahil sa insecurities na yan, hindi ko alam kung saan ako dapat lumugar. I even asked myself “Ano ba? Ano ba talagang gusto ko? Ako pa ba ‘to?” I tried to change not to be better but to be perfect not because it’s for the best but because it’s what I need.

cats

I needed to fit in sa isang mundong na ni ha, ni ho, di ko alam kung anong pinapasukan ko. It’s not peer pressure, ako lang talaga ang may gusto kasi ang isip ko laging advance, ayokong napapahiya, ayokong inaayawan ako… gusto ko laging perfect. I don’t want to commit mistakes kaya ginawa kong shield ang insecurities ko. I hid in my own shadows, covering myself up and making my insecurities as the real me, you know, pretending to be yourself but you’re not. Showing your perfect side and forgetting who you really are.

Insecurities made me weak. Insecurities made me scared. Insecurities made me feel that I don’t exist, but, insecurities made me realize that nobody’s perfect. Alam mo yun, you tried but then you got tired of trying to be someone else.

Dahil sa insecurities, maraming akong nagawang mga bagay na masasabi kong masama dahil minsan I tried to pull down my friends para ako ang manguna, minsan naman I discouraged them kasi ayokong napag-iiwanan, I talked behind their backs kasi gusto ako ang laging bida.

I don’t hate myself for that but I do feel pathetic and ashamed  that I did that before. Hindi ko sinasabing masama ang mag­­­­karoon ng insecurities, natural lang yan. Lahat ng tao nakakaramdam ‘nyan, miski yang mga iniidolo ninyo, ‘yang mga taong sa tingin niyo ay super galing at super perfect… lahat yan may mga insecurities, itinatago lang nila.

6302325301_fe303b510a_z1

If you feel insecure, it’s fine but don’t let it eat you. Don’t change yourself just to fit in to the world that you don’t even recognize. Sige ka, baka pagkagising mo isang araw, pagharap mo sa salamin hindi mo na kilala ang sarili mo at ang nakikita mo lang ay yung pekeng ikaw na paulit-ulit mong binabago.

Siguro akala niyo, kapag binago niyo ang totoong kayo katanggap-tanggap ka na. You’re wrong! Tinanggap ka bilang ibang tao, hindi bilang ikaw. Sa tingin mo ba magiging masaya ka? Yes? Eep! I don’t think so.

Insecurities can make you look perfect but never happy.

So think twice, do you want to hide and pretend to be someone else or do you want to be yourself and be accepted as who really are?

Ang babaeng nagsusuot ng makakapal na make-up…

Note: Mababaw lang ito.


Ang babaeng nagsusuot ng makakapal na make-up o sabihin na natin, halos araw-araw na may make-up kahit hindi naman kailangan ay walang confidence sa kanyang natural na kagandahan .
Kadalasan ang mga ganitong babae ay mas iniisip ang sasabihin ng iba tungkol sa itsura nila kesa sa sasabihin ng iba tungkol sa kakakayahan nila, because these girls think that they should always be perfect in front of other people. They are afraid of judgement. They are afraid to be criticized kaya nagi-stick lang sila sa ganoong personality. They are afraid to change  and be who they really are.

Dapat ang mga babae may tiwala sa sarili lalo na sa itsura nila. Hindi habang buhay makakapag suot ka ng make up. Hindi habang buhay ay ganyan ang itsura mo. Dapat masanay kang ipakita yung totoong ikaw. Hindi magandang pinupuri ka lang dahil maganda ka, ang dapat pinupuri ka dahil sa kakayahan mo at sa confidence na nago-overflow sa sarili mo.