First Love

Matt…
He’s my first love….

“Oh? ‘Nasan na si groom?”

“Nasa harap na ng altar, si bride na lang.”

Sabi nila, once you fall in love with your bestfriend, there’s no turning back.
Sabi ko, ‘Ok lang, mahal ko talaga e.’

“Are you ready?”
Tanong nila. Napangiti ako.

“Ito na ang bride, give way. Let’s start na.”

You are my bestfriend and my first love.
The first time I saw you, nasa ilalim ka ng isang puno at nagbabasa ng isang romance novel. Natawa ako, and awkwardly whispered, “romance novel talaga?” pero narinig mo ako tapos ngumiti ka and you said, “Hi.”

Unlike other boys, ikaw, mas gusto mong magbasa. Inaasar kita, “nerd ka. ang hilig mong magbasa kaya wala kang girlfriend”, but at the back of my mind, ang talagang gusto kong sabihin…”Nerd ka pero gusto kita. Sana ako na lang ang maging girlfriend mo.”

We laugh together.
Eat together.
Cry together.
It was just so perfect. 

 

One day, I found myself staring at you. I smiled and told myself, “I really like this guy.”
Funnily, you caught me. Lumingon ka, ngumiti and then you said…
“Ang ganda…” 

Since then…

“Chocolates for you, Sally…” iaabot mo ang tsokolate tapos ngingiti…

“Flowers for you, Sally…” nakangiti ka habang nakatayo sa harap at sinserong nakatingin…

Then, one day…

“I love you, Sally…” nakaluhod ka at may hawak na singsing…

 

“Oh? ‘Nasan na si groom?”

“Nasa harap na ng altar, si bride na lang.”

“Are you ready?”
Tanong nila. Napangiti ako.

“Ito na ang bride, give way. Let’s start na.”
Napatingin ako…

 sa kanya…

kay Sally.
There she is, wearing her white gown and ready to say “I do” with Matt.

 

Hindi pala para sa akin ang sinabi mo noon na…
“Ang ganda… Ano kayang pangalan niya?” 

Yung chocolates na araw-araw mong binibili kahit wala ka nang baon.
“Chocolates for you…” iaabot mo ang tsokolate tapos ngingiti ka sa kanya.

Yung flowers na kahit allergic ka, binibili mo pa rin.
“Flowers for you…” nakangiti ka habang nakatayo sa harap at sinserong nakatingin sa kanya.

P ati ang “I love you” na matagal ko na ring gustong marinig mula sayo…
“I love you, ” nakaluhod ka at may hawak na singsing para sa kanya.

Hindi pala para sa akin…

Lahat ng pagmamahal sa mata mo, ngiti, tawa, kwento… hindi ako ang laman ng mga iyon kundi siya.

 

“Kristy,” napalingon ako…si Matt.
Ningitian niya ako and then he mouthed, “Thank you” before looking back at his soon-to-be wife, Sally.

 

Matt…
He’s my first love. He will always be my first love…but he will never be my forever.