My Diary #2

by Author

Dear 22-year-old me,

Today is Sunday, April 9. Nagbasa ka na naman ng inspirational quotes sa Twitter pati na rin ang libro ni Bianca Gonzales na “Panano Ba ‘To?”. Just like your old self, you’re still finding ways on how to cope up with your depression. You’re still finding reasons and explanations kung bakit ka natatakot sa pagbabago.

Alam ko gusto mo mag-excel, mag-inspire ng ibang tao pero ito ka, ikaw mismo di mo kayang harapin ang fears mo.

Bakit nga ba?
Bakit ka nga ba natatakot?
Sa totoo lang, until now, kahit ako ay ikaw, di ko din maintindihan kung bakit ka natatakot. Ang weird, di ba? At ang weird din na kinakausap ko ang sarili ko ngayon… Hahaha.

Someday…
Someday makikita ko rin ang sarili ko na ginagawa ang mga bagay kinakatakutan ko, yung mga bagay na akala ko at akala nila di ko magagawa.
Someday…

Advertisements